PAKIKINIG
A. Kahulugan
Isa sa makrong kasanayang
pangkomunikasyon na kinasasangkutan ng sensoring
pandinig at pag-iisip. (Bernales, 2000).
Isang aktibong proseso na nagbibigay
daan sa indibibwal upang pag-isipan, pagnilay-
nilayin, analisahin ang kahulugan
at kabuluhan ng mga salita.
B. Kahalagahan
1.
Pagtamo ng karunungan at impormasyon
2. Katulong sa pakikisangkot at
pakikisalamuha
3. Nagbibigay ng kaligayahan at kawilihan
Kailangang matuto ang isang tao sa
epektibo at kritikal na pakikinig upang magkaroon
ng:
1.
Karunungan
2.
Impormasyon
3.
Pakikisangkot
4.
Kawilihan
5.
Kaligayahan
Ayon kay Sigbad (1979) 60% ng
pang-araw-araw na gawain ay pakikinig at ¼ hanggang
1/3
nito ay kaagad na nakakalimutan pagkatapos makita o marinig.
C. Proseso
1.
Pagtanggap ng mensahe – tainga
2. Pagtuon ng atensyon sa tinanggap
na mensahe – pagmamasid sa di-verbal cues
3. Pagbibigay-kahulugan sa mensahe – dating
kaalaman at karanasan
4.
Pagmememorya – pagtanda at paggunita sa mensaheng tinanggap
6.
Ebalwasyon- pagtitimbang ng tagapakinig sa kanyang napakinggan
5.
Pagtugon sa mensahe – reaksyon o sagot; direktang ugnayan sa isa’t isa
D. Layunin ng Pakikinig
1.
Para malibang
- di-nangangailangan ng masusing pakikinig
- Hal. dula sa radio, telebisyon at iba pang
palabas
- masayang pakikipagkwentuhan sa kaibigan at
kakilala
2.
Makapagnilay-nilay o makapag-isip
- tungkol sa sarili, mga karanasan
sa buhay
- hal.
sermon ng pari/pastor
3.
Makalikom ng mga impormasyon/kaalaman
- buong atensyon
- hal. pakikipanayam, seminar o mga lektyur ng
guro sa klase
- maunawaan at matandaan ang mga kaalamang
ibinibigay ng nagsasalita
4.
Magsuri
- humihingi ng ideya, opinion o reaksyon
- hal. talakayan, debate o pagtatalo
E. Antas ng Pakikinig
1.
Apresiyativ na pakininig
- gamitin ito sa pakikinig upang maaliw
- hal. awit sa radio, konsyerto
2. Pakikinig na diskriminatori
- kritikal na pakikinig
- ginagamit ito para sa organisasyon at
analisis ng mga datos na napakinggan
- inuunawa at inaalala ng tagapakinig ang mga
impormasyon kanyang
napakinggan
3.
Mapanuring pakikinig
- selektiv na pakikinig
- mahalaga rito ang konsentrasyon
- bukod sa pag-unawa, ang tagapakinig ay
bumubuo ng mga konsepto at
gumagawa ng mga pagpapasya ng valyu sa antas na ito
4. Implayd na pakikinig
- tinutuklas ang mga mensaheng nakatago sa
likod ng mga salitang naririnig
- ang hindi sinasabi ng tuwiran ay inaalam ng
tagapakinig sa level na ito
5.
Internal na pakikinig
- pakikinig sa sarili
- pinagtutuunan ang pribadong kaisipan ng isang
indibidwal na pilit niyang
inuunawa at sinusuri
F. Mga Uri ng Tagapakinig
1.
Eagle Beaver
- ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang
may nagsasalita sa kanyang
harapan
- makikita sa kanyang mata ang kawalan ng focus
kahit pilit ang pagpapanggap
niya na siya ay masugid na
nakikinig
- pilit niyang pinapaniwala ang iba na siya ay
mabuting tagapakinig
2.
Sleeper
- nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid
- walang siyang tunay na intensyong makinig
- naiinis siya kapag may nag-iingay
- dahan-dahan niyang ipipikit ang kanyang mga
mata habang inihihilig ang ulo at
naglalakbay sa
daigdig ng panaginip
3.
Tiger
- laging handang magreak sa anumang sasabihin
ng nagsasalita
- lagi siyang naghihintay ng maling sasabihin
ng tagapagsalita upang sa bawat
pagkakamali ay
para siyang tigre na susugod at mananagpang
4.
Bewildered
- kahit anong pilit ay walang maintindihan sa
naririnig
- kapansin-pansin sa pagkunot ng kanyang noo,
pagsimangot at anyong
pagtataka o
pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig
5.
Frowner
- waring lagi na lang may tanong at pagdududa
- makikita sa kanyang mukha ang pagiging
atentibo, ngunit ang katotohanan,
hindi lubos ang
kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari
6.
Relaxed
- problema siya sa isang
tagapagsalita
- nakikita sa kanya ang kawalan ng interes sa
pakikinig
- madalas nauupo siyang para bang nasa sala ng
sariling bahay
- walang makikitang iba pang reaksyon mula sa
kanya. Positibo man o negatibo
7.
Busy Bee
- isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig
- abala siya sa ibang Gawain tulad ng
pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi,
pagbabasa, pagsusuklay at iba pang Gawain na
walang kaugnayan sa pakikinig
8.
Two-eared listener
- pinakaepektibong tagapakinig
- nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang
tainga maging ang kanyang
utak
- lubos ang partisipasyon niya sa gawaing
pakikinig
- objektiv ang reaksyon niya sa mensaheng
kanyang naririnig
- makikita rin sa kanya ang kawilihan sa
pakikinig
- siya ang uri ng tagapakinig na dapat tularan
ng lahat
G. Mga Uri ng Pakikinig
1.
Di-aktibong pakikinig o passive na pakikinig
- di-gaanong binibigyan ng matamang pagtuon ng
atensyon
- maaaring magbigay ng tugon o hindi
- isinasabay sa iba pang Gawain
2. Masigasig o matamang pakikinig
- maunawaan nang lubos ang nilalaman usapan,
ang mahalagang detalyeng
Binabanggit
3.
Kritikal na pakikinig
- masuri o ma-evalweyt ang kawastuhan at
katotohanan ng mensaheng
napakinggan
4.
Masaya o malugod na pakikinig
- musika, dula, kwento
H. Mga Elementong Nakakaimpluwensya sa Pakikinig
1.
Oras
2.
Tsanel – daluyan ng tunog
3.
Edad – bata at matanda
4.
Kasarian – babae/lalaki
- babae – mapalabok
- lalaki – maikli at tuwiran
5. Kultura – hal. maingay na
pagnguya
6. Konsepto sa sarili
7.
Kapaligiran/pook at kalagayan ng nakikinig
- lugar
- panahon
- kalagayan ng nakikinig
8.
Kakayahan at katangian ng tagapagsalita
- tinig
- paraan ng pagsasalita
- tindig
- personalidad
9.
Kakayahan at katangian ng tagapagsalita
- pangkalusugan at pangkaisipan
10.
Konsentrasyon sa pakikinig
- buo ang kalooban
- may malinaw na layunin
I. Mga Sagabal sa Pakikinig
1.
Suliraning eksternal
- mga distraksyong awral tulad ng ingay na
likha ng bel, makina o malakas na
usapan
- mga problema sa pasilidad tulad ng
di-komportableng upuan, ang labis na
mainit o malamig
na temperature sa silid
2.
Suliraning mental
- preokupasyon o pag-iisip ng ibang bagay tulad
ng mga problema o
pangangarap ng
gising
- pananakit ng ulo at kakulangan sa pag-iisip
3.
Iba pang tanging salik
-
labis na pagiging mahirap o kompleks ng isang konsepto o labis na
kadalian
niyon na maaaring kawalan ng interes ng tagapakinig
- lubos na magkasalungat na opinion ng
nagsasalita at tagapakinig
- distraksyong biswal tulad ng manerismo at
anyo ng nagsasalita
J. Mga Paraan Upang Maging Epektibong
Tagapakinig
1.
Pakinggan huwag lamang ang mga salita kundi maging ang mga kahulugan.
2.
Tulungan ang kausap na linawin ang kanyang mensahe.
3.
Ipagpaliban hangga’t maaari ang iyong mga paghuhusga.
4.
Kontrolin ang mga tugong emosyonal sa mga naririnig.
5.
Pagtuunan ang mensahe.
6.
Pagtuunan din ng pansin ang istruktura ng mensahe.
7.
Patapusin ang kausap.
K. Kasanayang Nakatutulong sa Mabisang Pakikinig
1.
Paglalagom
- pagsulat o pagsasalaysay muli sa isang akda
- higit na maikling paraan
- pananalitang higit na madaling unawain kaysa
orihinal
- katulad nito ang pagbubuod
2.
Pagtatala (talumpati at panayam)
- dumalo na handa ang lahat ng
kailangang kagamitan
- huwag magmamadali sa pagsulat sa naririnig
- ihanay habang nakikinig, sang-ayon sa kung
iyon ay pamunong kaisipan
lamang
- kumukuha ng tala sa panayam o talumpati ang
paggamit ng sariling
pamamaraan ng
pinaikling pagsulat
3. Iba pang kasanayan
- pagkuha ng mensahe sa akdang napakinggan
- aral sa pabula at parabola
- mensahe ng awitin
- sunud-sunud na pagtatala sa mga pangyayari sa
maikling kwento
Mga
Sanggunian
Atienza, O., Papa, N. & Sauco, C. (1998). Retorikang Filipino: pang-antas tersyaryo.
Quezon City: Katha Publishing Co., Inc.
Belvez, P. et al. (1990). Gamiting Filipino pagbasa at komposisyon
(binagong ed.). Quezon
City:
Rex Printing Co., Inc.
Bernales, R. et al. (2002). Komunikasyon
sa makabagong panahon. Valenzuela
City: Mutya
Publishing House, Inc.
Garcia, L. et al. (2006). Komunikasyon sa akademikong Filipino. Cabanutuan City: Jimcy
Publishing House.
Pagkalinawan, et al. (2004). Filipinno I: komunikasyon sa akademikong Filipino. Valenzuela
City:
Mutya Publishing House, Inc.
Tanawan, et al. (2004). Sining ng mabisang komunikasyon. Bulacan:
Trinitas Publishing, Inc.